Saturday, March 10, 2012

Pandiwa

Friday, March 2, 2012

Pangnalan

Pangngalan


Ang pangngalan ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao bagay, pook, hayop, at pangyayari. Maaari din na ipakilala ng pangngalan ang isang kaisipan o konsepto.


Ayon sa katangian

Nauukol ang pangngalan ayon sa kaurian sa pagpapangalan sa tao, bagay o pangyayari. Maaari itong pambalana o pantangi.
  • Pantangi - mga pangngalang nagsisimula sa malaking titik na tumutukoy sa tangi o tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, kathang-isip, o pangyayari na ibinubukod sa kauri nito. Tinitiyak ng pangngalang pantangi na hindi maipagkamali ang tinutukoy sa iba. Halimbawa: Jose Rizal, Corazon Aquino. Kilala ito sa Ingles bilangproper noun o proper name.
  • Pambalana - mga pangngalang nagsisimula sa maliit na titik na tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, pangyayari at iba pa. Kasama rin ang kabuuan ng mga basal na salita. Halimbawa: katamisan , pusa
    • Uri ng pambalana
      • Konkreto - mga pambalana na nakikita o nahihipo. Halimbawa: bundok, kalikasan
      • Di-konkreto - mga pambalana na nararamdaman lamang at hindi nahihipo. Halimbawa: pagmamahal.
  • Ayon sa kayarian

    Naayon sa sakop o uri ng katuturan ang mga pangalan. Maaari itong tahas, basal, hango, lansak o patalinghaga.
    • Tahas - pangngalang nararanasan ng isa sa mga limang pandamdam (paningin, pandinig, panlasa, pakiramdam at pang-amoy) at may katangiang pisikal. Halimbawa: tubig, pagkain, bundok.
    • Basal - pangngalang tumutukoy sa mga kaisipan o konsepto na hindi nararanasan ng limang pandamdam at walang pisikal na katangian. Nasa anyong payak ang lahat ng pangngalan basal. Halimbawa: wika, yaman, buhay
    • Lansak - pangngalang tumutukoy sa isang kalipunan o karamihan. Maaaring maylapi ito o wala. Halimbawa: madla, sangkatauhan, kapuluan.
    • Hango - pangngalang nakabatay sa isang salitang basal. Halimbawa: kaisipan, salawikain.
    • Patalinghaga - pangalang hindi tuwirang patungkol sa bagay na pinangangalanan sa halip inihahambing lamang sa bagay na kamukha o katulad lamang. Halimbawa: buwaya (imbis na kurakot), langit (imbis na ligaya), kababuyan (imbis na kasalaulaan)

    Ayon sa kasarian

    Masasabing walang partikular na babae o lalaki sa mga pangngalan. Ngunit matutukoy ang kasarian ng pangngalan kapag nilalagyan ng salitang "lalaki" o "babae" bago o pagkatapos ng salitang kinauukulan. Halimbawa: batang babae, batang lalaki, lalaking aso, babaing pusa
    Mayroon din namang mga salitang hindi na kailangang lagyan ng mga salitang "lalaki" o "babae" kung likas na matutukoy ang kasarian ng isang pangngalan. Kadalasang matutukoy din ang kasarian sa pangngalan o palayaw. Halimbawa, kadalasang lalaki ang mga pangngalang tunog "o" at babae naman kapag tunog "a". Tingnan ang sumusunod na mga halimbawa:
    • Panlalaki - pari, hari, tatay, kuya, manong, tandang (lalaking manok), kalaykan (lalaking kalabaw)
    • Pambabae - madre, reyna, nanay, ate, libay (usang babae), dumalaga (hindi pa nanganganak na babaing hayop)
    • Di tiyak - tumutukoy sa ngalang maaring babae o lalaki
    • Walang Kasarian - ngalang tumutukoy sa bagay na walang buhay

    Ayon sa kayarian

    Tungkol naman sa bilang kung isahan, maramihan, o lansakan ang kailanan ng pangngalan.
    • Isahan - pangngalang gumagamit ng pantukoy na sini, o kay kapag mga tao ang tinutukoy, at angng (nang), o sa kapag mga pangngalang pambalana. Ginagamit din ang pamilangisang o sangsam, at son na mga hangong salita nito. Halimbawa: Ang burol ay isang anyong lupa.
    • Dalawahan - pangngalang gumagamit ng pantukoy na sinaninakina, at ang mga (manga, ng mga, sa mga) at gumagamit din ng mga pamilang nagmula sa dalawa. Halimbawa:Sina Roberto at Rowena ang bumato sa mga ibong lumilipad.
    • Maramihan - pangngalan na pinagsama-sama ang mga bagay na magkakatulad. Kadalasang may magkabilang panlapi itong "ka" at "an" o "han". Halimbawa: kabahayan, kabukiran.

    Ayon sa kaanyuan

    Tungkol paglalapi ang kaanyuan ng pangngalan.
    • Payak - pangngalang hindi inuulit, walang panlapi, o katambal. Halimbawa: watawat, ligalig
    • Maylapi - pangngalang binubuo ng salitang-ugat na may panlapi sa unahan, gitna, hulihan o magkabila. Halimbawa: inihaw, tindahan,
    • Inuulit - pangngalang inuulit na maaaring may panlapi o salitang-ugat lamang. Halimbawa: tau-tauhan, bagay-bagay, bali-balita
    • Tambalan - pangngalang binubuo ng dalawang salitang magkaiba na pinagsasama upang maging isa at may gitling sa pagitan nito. Halimbawa: kisap-mata, bahay-kubo, bantay-salakay, bukas-palad